
Kung bukas matutunan mong magmahal muli,
Saan mo hahanapin ang pag-ibig na tila tuluyan mo ng nilimot?
At sa iyong patuloy na paglalakbay
Patungo sa daang waring unti-unting naglalaho
Paano na ang pag-asa?
Apat na mahahabang buwan at bawat araw, oras at minuto'y binibilang.
Nagaantay sa pagdating ng bukas na muling magising ang nahihimbing na puso.
Doon sa tabi ng bughaw na langit,
Naroon kaya?
Doon sa nagkukubling liwanag, sa lilim na berdeng halaman,
Mayroon kaya?
Naroon, doon sa ilalim ng madilim na dagat,
Andoon ata.
Maaring doon sa naglalagablab na init ng araw,
Hindi mahawakan, hindi rin masilyan,
Baka naroon nga.
Kung bukas makalawa ay iyong matagpuan ang mailap mong inaasahan,
Maalala mo pa rin kaya ang daang noo'y iyong tinahak,
Na pilit mong nilimot ang mga sakit at pait ng kahapon?
At kapag iyong natagpuan ang pagasa,
Ito ba'y may halaga pa?
1 comments:
ugg boots
coach outlet
mont blanc pens
ralph lauren uk
nike outlet
coach outlet
ugg outlet
supreme clothing
tory burch outlet
polo ralph lauren
201711.8wengdongdong
Post a Comment